NASALANTA NG BAGYONG FABIAN SA MARIKINA INAYUDAHAN

SA pamamagitan ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation & Governance), tinulungan ni Senator Cynthia A. Villar ang mga biktima ng bagyong ‘Fabian’ sa Marikina City.
Mga residente ng Barangays Malanday at Nangka ang 1,359 beneficiaries ng relief packs na ibinigay ng Villar SIPAG. “I hope this will somehow help you especially in time of the COVID-19 pandemic. Rest assured that we are always ready to extend all forms of assistance to you. We are doing our best for the welfare of our people,” giit ni Villar.

Libo-libong residente ng Marikina ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan dahil sa baha na dulot ng habagat at bagyong ‘Fabian.’

Bago pa man nahalal na congresswoman ng Las Piñas at senador, adbokasiya na ni Villar ang tumulong na makabangon ang mga biktima at komunidad na tinamaan ng bagyo at iba pang kalamidad.

“We want to ease the burden of victims who have been adversely affected by the recent typhoon especially now that we are in a pandemic,” ayon kay Villar  kasabay ng paghimok sa mga ito na manatiling matatag sa kabila ng global health crisis. Aniya, ito rin ang kanyang paraan para matulungan ang ating national at local government na matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyo na nanalasa sa Marikina City.

Nagbigay rin ng relief packs si Villar sa mga biktima ng bagyong ‘Fabian’  sa Quezon City; Imus, Cavite at Taytay, Rizal. Nanawagan din siya sa may kakayahang tumulong na magpaabot ng tulong sa mga apektadong pamilya.

“In these challenging times, Villar cited the need for proactive measures of the government and the private sector to make life easier for our people who are facing difficulties due to the COVID-19.” (ESTONG REYES)

132

Related posts

Leave a Comment