1.4-M TRABAHO SA ‘TRABAHO’ BILL

DOF Secretary Carlos Dominguez III

Ibinida ng Department of Finance (DOF) na aabot sa 1.4 milyong hanap-buhay mula sa small and medium enterprises (SMEs) ang maibibigay ng mga ito kapag naisabatas na ang mungkahing Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities (TRABAHO).

Tiniyak ito ni DOF Secretary Carlos Dominguez III, kaya umaasa aniya ang administrasyong Duterte na ipapasa ng Kongreso ang TRABAHO bill.

Ngunit, inilinaw ni Domiguez na ang P1.4 milyong trabaho ay maiaalok ng SMEs sa loob ng 10 taon.

Ang TRABAHO bill ay ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong Seytembre.

Ang bersiyon ng Senado na inakda ni Senate President Vicente Sotto III na Senate Bill 1906 o Corporate Income Tax and Incentives Reform Act CITIRA ay nakasalang sa Ways and Means Committee ng Senado.

Inamin ni Domiguez na ang nasabing panukala ay ang ikalawang yugto ng pagbabagong ginagawa ng administrasyon sa sistema ng pamumuwis sa Pilipinas.

Ang una ay ang Tax Reform Accesibility and Inclusion (TRAIN) Act na ipinatupad noong Enero 1 ng kasalukuyang taon.

Umani ng kaliwa’t kanang kritisismo ang TRAIN Act dahil sa karagdagang excise tax kada litro ng mga produktong petrolyo na nauwi sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa Enero ay muling madadagdagan ng P2 excise tax ang bawat litrong mabibiling produktong petrolyo ng mga motorista.

7

Related posts

Leave a Comment