1-M BALOTA IIMPRENTA ARAW-ARAW; MAKINA SINURI

printing

(NI MITZI YU)

TINATAYANG nasa isang milyon balota kada araw ang iiimprenta ng Commission of Election (Comelec) kasabay ng ginawa pagsusuri sa mga makinang gagamitin para sa midterm elections.

Sinabi ni Comelec director Vicky Dulcero, vice chair ng printing committee,  sisimulan ang produksyon ng mga balota mula Enero 22 hanggang Abril 30.

Kailangan aniyang matapos ng National Printing Office (NPO) ang pag-imprenta ng mga balota para sa tinatayang 61 milyong rehistradong botante.

Sa kasalukuyan,  tinatapos pa aniya ng NPO ang pag-imprenta sa natitira pang mga balota na kailangan para sa pagdaraos ng Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite sa Enero 21 at Pebreo 6.

Inaasahan aniya nilang matatapos ang pag-imprenta ng mga balota para sa plebisito sa Pebrero ngayong linggo habang tapos na noon pang Disyembre ang mga balotang gagamitin sa plebisito sa Enero 21.

Layon nito na alamin mula sa mga botante kung payag silang ratipikahan ang isang bagong batas na magpapalawak at lilikha sa Bangsamoro Autonomous Region.

Kabilang ang mga residente ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Isabela City sa Basilan at Cotobato City ang boboto sa orihinal na petsa ng plebisito sa Enero 21.

7

Related posts

Leave a Comment