LPA POSIBLENG MAGING UNANG BAGYO NGAYONG TAON

pagasa

(NI ABBY MENDOZA)

MALAKI ang tiyansang maging bagyo ang Low Pressure Area na namataan sa Silangan ng Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA).

Ayon sa PAGASA kung hindi magbabago ng direksyon ay posibleng maging kauna unahang bagyo ito ngayong taon na papangalanang Bagyong Amang.

Sa huling monitoring ng PAGASA ay nasa Pacific Ocean pa ang bagyo at kung hindi magbabago ang kilos nito at maaaring Biyernes o Sabado ay nakapasok na ng PAR at inaasahang tatama sa CARAGA-Eastern Visayas.

Bago tumama sa lupa ang bagyo ay magdadala ito ng paguulan sa Visayas, Mindanao at ilang lugar sa Southern Luzon.

Samantala, patuloy pa ring nagdudulot ng paminsan-minsang malakas na pag-ulan ang tail end of a cold front, na posibleng magdulot ng pagbaha at landslide sa Socasksargen at Davao region.

Habang nakaaapekto rin ang Hanging Amihan na siyang nagdudulot ng mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley.

Ngayong 2019 ay 20 bagyo ang inaasahan ng PAGASA na papasok sa bansa, ilan sa mga pangalan ng bagyo na pinalabas ng PAGASA ay Amang,Betty,Chedeng,Dodong,Egay,Falcon,Goring,Hanna,Ineng,Jenny,Kabayan,Liwayway,Marilyn,Nimf,Onyok, Perla,Quiel,Ramon,Sarah,Tisoy,Ursula,Viring,Weng,Yoyoy at Zigzag.

 

6

Related posts

Leave a Comment