10-K PINOY BUMOTO NA SA AOV SA SINGAPORE

sing voters 12

UMAABOT na sa 10,000 mga Filipino sa Singapore ang nakaboto na para sa absentee overseas voting sa May midterm elections sa bansa.

Ito, ayon sa Commission on Elections (Comelec) ay malayo pa sa inaasahan nilang 80,000 registered voters sa Singapore.

Kasabay nito, hinihikayat ng Comelec ang mga Pinoy sa abroad na makilahok sa botohan para sa nalalapit na midterm elections.

Para mas bigyan pa ng panahon ang mga Pinoy sa Singapore, sinabi ng Philippine Embassy doon na bukas sila sa Miyerkoles, May 1, kahit pa regular holiday sa Pilipinas.

Nagsimula ang overseas absentee voting period noong Abril 13 at matatapos sa May 13.

 

180

Related posts

Leave a Comment