IKAAPAT NA PINAY NAKITA NA SA CYPRUS SERIAL KILLER CASE

cyprus21

NATAGPUAN na ang ikaapat na bangkay na  sinasabing pinatay ng serial killer sa Cyprus habang patuloy pang hinaganap ang katawan ng sinasabing mga Filipina na pinatay nito, kabilang ang 6-anyos na bata.

Ikinagulat ng mamamayan doon ang kaso na isa sa nakagigimbal na krimen na nangyari sa Mediterranean island nitong mga nakalipas na taon.

Ang bangkay ng babae ay nakita sa loob ng maleta sa ilalim ng marumi at toxic man-made lake malapit sa abandonadong minahan sa Nicosia, ayon sa mga pulis.

Dalawang linggo na ang nakararaan nang matuklasan ang unang bangkay – ng kay Mary Rose Tiburcio, 38, isang Pinay, sa abandonadong minahan, matapos umanong maanod ito sa gitna ng napakalakas na ulan.

Agad inimbestigahan ang kaso at naaresto ang isang Greek Cypriot Army Captain noong Abril 18.

Ilang araw ang nakalipas ay bangkay naman ni Arian Palanas Lozano, 28, isang Filipina, ang nakita.

Inamin naman ng suspect na 35-anyos ang krimen gayundin sa pagpaslang sa limang iba pa, kabilang ang dalawang anak ng mga biktima.

Tatlong taon umanong naitago ang krimen.

Lumutang ang ikaapat na bangkay sa kabila ng pagkakaroon ng mabigat na semento na nagsilbing angkla sa ilalim ng lake.

Patuloy na iimbestigahan ang kaso para alamin kung may mga Pinay pang sangkot sa krimen.

Sinabi ng suspect na nakilala niya ang mga Pinay sa isang dating website.

87

Related posts

Leave a Comment