100,000 MIYEMBRO NG PNP DEMORALISADO — PING

pnp120

(NI NOEL ABUEL)

HINDI masisisi ang mahigit sa P100,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP) na sumama ang loob at magkaroon ng demoralisasyon sa hanay nito dahil sa pagkakasangkot ng ilang tiwaling opisyales nito sa pagre-recycle ng illegal na droga.

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kaugnay ng nakarating na impormasyon dito na maraming pulis ang mababa ang moral dahil sa bumabalot na kontrobersya sa ilang matataas na opiyales ng mga ito.

“Actually ang overwhelming sentiment kasi nadadamay sila, mahigit 100,000 sila tapos makakita ka ng 13 or 20 rogues, damay na rin lahat sila kaya nagsa-suffer minsan sa perception ng tao ang kanilang katayuan dahil sa kagaguhan ng iilan,” aniya.

Batid umano nito na maraming pulis ang nagtitiis at sumusunod sa mga regulasyon at nagtatrabaho nang maayos maliban pa sa marami sa mga ito ang nalalagay sa alanganin ang kaligtasan dahil sa pagtupad sa tungkulin.

“Ang iba nga sabi mo nga at alam natin nagtitiis sila, talagang sumusunod sa regulation at nagtatrabaho nang maayos, sinusugal ang buhay nila, pagkatapos damay din sila kasi ang tingin nila pulis din sila. Alam mo sa society natin naha-highlight talaga ang kasamaan. Of course that’s normal kasi normal lang naman na dapat tuparin ng pulis ang katungkulan at hindi sila dapat purihin ng purihin. Pero ang napapansin nga, ang iilan na masama ang ginagawa, nadadamay ngayon ang karamihan,” paliwanag pa ni Lacson.

 

314

Related posts

Leave a Comment