12-YR-OLD PABABA BAWAL NA UMUPO SA FRONT SEAT

CARSEAT123

(NI BETH JULIAN)

GANAP nang batas ang Child Safety in Motor Vehicles Act.

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang batas na naglalayong ipagbawal sa pag-upo sa front seat ang mga batang 12-anyos pababa.

Gayunman, kung ang bata ay abot sa height requirement na 4’11 at gagamit ng regular na seat belt ay hindi ito pinagbabawal.

Hindi naman sakop ng bagong batas ang mga public utility vehicles gaya ng mga bus, jeep at tricycle.

Ang nasabing batas ay suportado naman ni Augusto Lagman, presidente ng Automobile Association of the Philippines, dahil sinasabi nito na ang front seat ang pinakadelikadong upuan sa isang sasakyan.

Sa ilalim ng nasabing batas, dapat ay mayroong child restraint system gaya ng car seat at car bed para sa mga batang pasahero sa back seat bukod sa seat belt.

“When we say child restraint system that includes the seat whether its facing forward or its facing backward,” wika ni Lagman.

Pagmumultahin ng P1,000 sa unang opensa, P2,000 sa ikalawa at P5,000 at kanselasyon ng driver’s license sa ikatlo ang sinumang mahuhuling lalabag dito.

 

 

76

Related posts

Leave a Comment