MWSS PINAKILOS NI DU30 SA WATER SHORTAGE

IGIB500

(NI BETH JULIAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

IPINAUBAYA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na utusan ang Manila Water at Maynilad na gumawa ng hakbang para maibsan ang nararanasang water shortage sa Metro Manila at mga bayan sa Rizal.

Biyernes ng hapon ay inatasan ng Pangulo ang MWSS na obligahin ang Manila Water Company, Inc., at ang Maynilad Water Services, Inc. at iba pang responsableng ahensya na maglabas ng tubig mula sa Angat Dam epektibo sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, alam at ramdam ng Pangulo ang nararanasang paghihirap ng mga residente dahil sa kakapusan ng suplay ng tubig.

Mahigpit ding iniutos ng Pangulo na nararapat na ang pag-release ng tubig mula sa Angat Dam ay kayang tumagal ng 150 araw para masuplayan ang mga apektadong lugar sa Metro Manila at Rizal.

Ipinatitiyak din ng Pangulo na maipahagi ito ng patas at tama sa mga apektadong lugar.

“Ako mismo ang hahabol sa kanila at mananagot sila kapag hindi sila sumunod sa utos ko, kapag hindi nila maiayos ang problema,” pahayag ng Pangulo.

110

Related posts

Leave a Comment