13K NURSES BIBIGYAN NG TRABAHO

pinay nurse12

(NI NOEL ABUEL)

AABOT sa mahigit sa 13,000 nurses ang nakatakdang bigyan ng trabaho ngayong taon na nakapaloob sa inaprubahang General Appropriations Act (GAA) sa 2019 national budget.

Ito ang sinabi ni Senador JV Ejercito kung saan may sapat na pondo para sa sahod at iba pang financial benefits na nagkakahalaga ng P7 bilyon para sa pagpapadala ng karagdagang 13,578 nurses sa ilalim ng Human Resources for Health (HRH) program ng Department of Health (DoH).

Sa kasalukuyan, base sa datos ay nasa 3,627 nurses ang nakakalat sa mga pampublikong ospital sa buong bansa.

“This year, the national budget allows for the hiring of 13,578 more nurses for deployment in different DOH-retained hospitals, local government unit hospitals, rural health units, and barangay health stations. Sa kabuuan,kasama na ang 3,627, magkakaroon ng 17,205 nurses sa mga ospital na pinatatakbo ng gobyerno,” aniya.

“It’s like hitting two birds with one stone. First, the additional nurses will improve medical services in government-run hospitals, and, second, 13,578 jobless nurses will be given gainful employments,” dagdag pa nito.

207

Related posts

Leave a Comment