MATAAS NA GRADO NI DU30 SA SWS: KRITIKO BULAG SA PAGBABAGO

duterte100

(NI BETH JULIAN)

WELCOME sa Malacanang ang Social Weather Station (SWS) survey na nagpapakita na 79 percent ng mga Pilipino ang nagsabing kontento sila sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa survey, lumalabas na nasa positive 66 ang net satisfaction rating ng Pangulo para sa buwan ng Marso.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo,  ang resulta ng survey na ito ay nagpapakita lamang na habang patuloy sa paninira ang mga kritiko ng Pangulo ay mas lalo lamang tumataas ang kanyang ratings.

Sinabi ni Panelo na tila nagiging bingi ang mga kritiko sa boses ng mayorya ng mga Pilipino at nagiging bulag ang mga ito sa mga pagbabago sa lipunan at politikal na gustong ipatupad ng Pangulo na ang layunin lamang ay ang maprotektahan ang interes ng nakararami.

Dito ay ipinayo na lamang ni Panelo sa mga kritiko na sa halip na magpatuloy sa kanilang hate campaign laban kay Duterte, mas malabubuti na makibahagi na lamang sila mayorya ng mga Pilipino na sumusuporta sa mga programa ng administrasyon na na nakadisenyo sa paglilingkod at pagbibigay proteksyon sa bayan at sa pagpapaunlad nito.

Ayon kay Panelo, hindi magpapaapekto si Duterte sa kahit na ano pa mang negativity sa halip magpapatuloy lamang ito sa pagtupad ng kanyang mga ipinangakong adbokasiya na labanan ang ilegal na droga, korapsyon, rebelyon at kriminalidad sa bansa.

67

Related posts

Leave a Comment