’13TH MONTH PAY IBIGAY N’YO NA!’

13th MONTH PAY-3

(Ni NELSON S. BADILLA)

Nanawagan sa mga negosyante ang pinaka-malaking pederasyon ng mga unyon ng manggagawa sa bansa na ibigay nila ang 13th month pay ng kanilang mga obrero bago sumapit ang  Disyembre 24 o sa mismong araw na ito.

Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), tahasang paglabag sa batas-paggawa kapag lumapas ng Disyembre 24 ang pamamahagi ng 13th month pay sa mga manggagawa.

Nakasaad sa Presidential Decree 851, o higit na kilala sa “Thirteenth Month Pay Law” na obligadong magbigay ng 13th month pay ang mga negosyante sa kanilang mga empleyado o manggagagwa.

Katumbas ng isang sahod ang nasabing bonus alinsunod sa PD 851.

Ang nasabing bonus ay iba pa sa Christmas bonus, paglilinaw ni Tanjusay.

Idiniin ng lider obrero na nararapat lamang na ibigay na ng mga kapitalista ang 13th month pay, sapagkat obligayon nila ito sa mga manggagawa na itinakda ng batas noon pang panahon ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos.

9

Related posts

Leave a Comment