2 MINOR, 9 PA DINAKIP SA BUY-BUST

ARRESTED-10

(Ni CHE ALMADIN)

Dalawang minor de edad at siyam pang katao ang inaresto ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa kamakalawa ng gabi hanggang madaling araw sa Lungsod ng Caloocan.

Ayon sa Drug Enforcement Unit (DEU) ng pulisya ng lungsod, ang mga suspek ay sina Jefferson Canlas (37), Joanna Soriano (29), Ferilyn Patricio (23), Jericho Rodriguez (18), Reynaldo Bondoc (68), John John Lopez (44), Maria Corazon Serrano (41), Ted-Ted Arcangel (23), Jemar Balboa (22), at dalawang minor de edad na 16-anyos at 17-taong-gulang.

Itinago ng Saksi Ngayon Newsbreak online ang pagkakakilanlan ng dalawang minor de edad upang protektahan ang kanilang pagktao alinsunod sa itnakda ng batas.

Sasampahan ng kaso ang mga suspek dahil sa paglabag sa Republic Act 9165, kasama ang dalawang bata.

Ngunit, hindi sila ikinulong sa selda ng pulisya dahil inilipat sila sa Social Department ng Pamahalaang Lokal ng lungsod.

10

Related posts

Leave a Comment