167-K PRIVATE SCHOOL TEACHERS SASAKLOLOHAN

(NI BERNARD TAGUINOD)

SASAKLOLOHAN na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang may 167,000 private school teachers sa bansa dahil kabilang ang mga ito sa mga empleyadong hindi pinapasahod nang tama.

Sa House Bill (HB) 5166 na iniakda ni ACT party-list Rep. France Castro, sinabi nito na panahon na para bigyan ng makatarungang sahod ang mga private school teacher na matagal na panahong pinapasahod nang malayo sa minimum wage.

“There are even reports of private elementary and high school teachers being paid salaries ranging from P3,000 to P6,000,” ani Castro kaya ihinain nito ang nasabing panukala para gawing P30,000 ang sahod ng mga ito kada buwan.

Base aniya sa Annual Survey of Philippine Business and Industry for the Education noong 2015, umaabot sa 43,900 ang primary and elementary private school teachers, 94,300 ang  general secondary private school teachers at  28,700 ang private pre-primary or pre-school teachers.

Tulad aniya ng mga guro ng Department of Education (DepED), mga lisensyado ang mga nagtuturo sa mga private school subalit hindi makatarungan ang ipinapasahod sa mga ito.

Sa ngayon ay sumasahod ang isang Teacher 1 ng DepEd ng P20,754 kada buwan at nakatakdang itaas ito ng P3,000 sa susunod na taon subalit ipinaglalaban ng mga ito na gawing P30,000 ang kanilang buwanang sahod.

Kung ano ang pangangailangan aniya ng mga guro sa pampublikong paalaran ay ganito din aniya sa mga private school teachers subalit kakarampot ang ipinapasahod sa mga ito.

“Filipinos are left struggling to make ends meet as prices of basic commodities and necessities such as food, rent, electricity, water and gas remain high. Private school teachers are no exceptions,” ani Castro.

169

Related posts

Leave a Comment