17 TAON KULONG, P10-M MULTA SA TAX RACKETEERS

MAHAHARAP sa pagkakakulong ng hanggang 17 taon at hanggang P10 milyong multa ang sinomang ang mandaraya sa buwis sa pamamagitan ng pekeng resibo.

Ito ang nakasaad sa House Bill 8144 o An Act Defining the Crime of Tax Racketeering na pinagtibay sa botong 276 pabor, sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Mas mabigat ito sa kasalukuyang parusa na P50,000 hanggang P100,000 lamang at dalawa hanggang anim na taong pagkakabilanggo lamang.

“This will restore public credibility and reliance on official receipts or invoices issued by the Republic of the Philippines and remind the public that official receipts and invoices are principal pieces of evidence for consummated transactions and are essential part of tax compliance in the country,” ayon sa nasabing panukala.

Ginawa ang nasabing panukala dahil umabot umano sa P100 billion ang hindi nakokolektang buwis dahil sa tiwaling mga negosyante na gumagamit na pekeng resibo, invoice at iba pang dokumento para makaiwas na magbayad ng tamang buwis.

Nakasaad din sa nasabing panukala na bukod sa parusa sa principal o mismong negosyante na gustong makaiwas na magbayad ng tamang buwis, ay 10 hanggang 17 pagkakakulong naman ang ipapataw sa mga nagbebenta ng pekeng resibo at 6 hanggang 10 taon naman sa mga kasabwat ng mga ito sa mga ahensya ng gobyerno. (BERNARD TAGUINOD)

70

Related posts

Leave a Comment