1ST ECO AIRPORT SA PINAS BUBUKSAN NA

(Ni KEVIN COLLANTES)

Nakatakda nang buksan ng Department of Transportation (DOTr) sa (Martes, Nobyembre 27) ang Bohol Panglao International Airport, na itinuturing na kauna-unahang eco-airport sa bansa.

Ayon kay DOTr Director for Communications Goddess Hope Libiran, nasa 99 porsiyento nang tapos ang naturang paliparan na nagkakahalaga ng P8.9 bilyon.

Handa na rin umano itong mag-operate matapos maisagawa ang inagurasyon dito sa Martes.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte naman ang inaasahang mangunguna sa pagbubukas ng naturang paliparan at sa ngayon ay isinasapinal na lamang ng DOT rang detalye nito sa Presidential Management staff.

Ayon kay Libiran, sinimulan ang konstruksiyon ng paliparan noong Hunyo, 2015 ngunit nag-accumulate ng 48 porsiyentong slippage dahil sa mga naganap na delay, kaya’t nang mag-take over sila noong Hulyo 2016 ay nasa 6.48% pa lamang ang completion rate nito.

Kung hindi umano nila ito inasikaso ay posibleng inabot pa ng hanggang 2021 bago ito matapos.

Nabatid na ang Panglao airport, na kilala sa tawag na “Green Gateway to the World,” ay ang magiging kauna-unahang eco-airport sa bansa, na itinayo batay sa pinakamataas na standard ng ‘green at sustainable structures.’

Gagamit rin umano ito ng natural ventilation at ang Passenger Terminal Building roof nito ay lalagyan ng mga solar panels.

May kapasidad itong aabot sa dalawang milyong pasahero, na mahigit pa sa doble ng kapasidad ng Tagbilaran airport.

28

Related posts

Leave a Comment