2.8-M MAGSASAKA NAGKAROON NG SARILING LUPA

MAGSASAKA-5

UMABOT na sa 2,841 milyong magsasaka sa bansa ang nabiyayaan ng sariling lupa na kanilang sinasaka.

Ang datos ay galing sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang sakop ay mula 1972 hangang 2017.

Mula sa Western Visayas ang pinaka-marami na umabot sa 319,175 magsasaka, saad ng PSA.

Katumbas ito ng 11.23% ng kabuuang bilang ng agrarian reform beneficiaries (ARBs) na nakalista sa Department of Agrarian Reform (DAR), sabi pa ng PSA.

Ang mga pinaka-kaunting bilang ng mga magsasakang nabiyayaan ng lupa ay ang mga naninirahan sa Cordillera Autonomous Region (CAR) at Auronomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na 81,600 at 70,561, batay sa pagkakasunod.

Ayon sa PSA, tatlong porsiyento lang ang pinagsamang bilang ng CAR at ARMM sa kabuuang bilang ng ARBs.

Ang CAR at ARMM ay mga rehiyong may awtonomiya mula sa pambansang pamahalaan alinsunod sa itinakda ng Konstitusyon.

8

Related posts

Leave a Comment