(NI HARVEY PEREZ)
NASA tatlo katao na ang nasawi dahil sa meningococcemia makaraang bawian ng buhay nitong Biyernes ng hapon ang isang 2 anyos na batang lalaki sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
Nalaman na ang paslit ay dinala sa San Lazaro mula sa Nasugbu, Batangas at kunimpirma ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nasawi ito sa meningococcemia.
Nabatid na ang paslit ay kasama sa inoobserbahan at nasa isolation room ng San Lazaro Hospital, kabilang ang isang 16- anyos na dalagita mula sa Nasugbu.
Nalaman sa kabuuan, tatlo katao na ang kumpirmadong nasawi sa meningococcemia kabilang ang isang 3 anyos na batang gulang na batang lalaki, na mula sa Bicol, at isang 53-anyos na babae mula sa Tanauan,Batangas na nasawi noong Setyembre 21.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang meningococcemia ay naililipat sa pamamagtan ng direct close contact sa indibidwal na kontaminado o sa pag-ubo.
Dumarami ang naturang sakit sa panahon na ng taglamig at maaring maging daan para magkaroon ng organ failure, severe disability o maging kamatayan.
151