2 BI OFFICERS SA NAIA, CLARK SIBAK SA HUMAN TRAFFICKING

SIBAK sa pwesto ang dalawang kawani ng Bureau of Immigration (BI) na pinaniniwalaang sangkot sa human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport at Clark International Airport.

Sa kalatas ng ahensya, kinumpirma rin ng BI ang pag-arangkada ng sariling imbestigasyon sa dalawang kawaning hindi pinangalanan.

Gayunpaman, tiniyak ng pamunuan ng nasabing kawanihan na kagyat na sasampahan ng karampatang kaso sa Department of Justice (DOJ) ang mga suspek sa sandaling makakalap ng sapat na ebidensyang ilalakip sa asunto.

Bukod sa kasong kriminal, magkakasa rin anila ng mga administrative case laban sa sinibak na empleyado.

Habang gumugulong ang imbestigasyon, pinagrereport din ang mga hindi pinangalanang Immigration personnel punong tanggapan ng kawanihan. (FROILAN MORALLOS)

25

Related posts

Leave a Comment