(NI ABBY MENDOZA)
NANANATILING nasa number 1 spot si 1Pacman Partylist Rep. Michael Romero bilang pinakamayaman na kongresista ng House of Representatives na may P7 bilyon na assets habang ikalawa naman si outgoing Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez.
Sa Summary of Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALNs) ng mga mambabatas na ipinalabas ng Kamara, si Romero na anak ni construction magnate Reghis Romero ay may P7.858 billion assets, mas mataas ito sa kanyang naging yaman noong 2017 na nasa P7.291 billion.
Pangunahing negosyo ni Romero ay pag-ooperate ng port facillity sa bansa at kamakailan ay naging major stakeholder sa Air Asia Airline.
Samantala, ang negosyanteng si Benitez na three term congressman ang ikalawang bilyonaryo ng Kamara na may P1.017 billion net worth.
Ikatlo sa pinakamayaman ay si Ilocos Norte 2nd District Rep. Imelda Marcos na may P923.8M assets; ikaapat naman si Quezon City 4th District Rep. Feliciano Belmonte Jr., na may P864.8 million yaman; ikalima si Manila Teachers Rep. Virgilio Lacson na may P793.9M; ikaanim si Marikina Rep. Bayani Fernando na may P748M.
Pasok pa sa Top 10 na pinakamayaman na kongresista sina Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio Floirendo Jr. (P714.6 million), Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto (P555.3 million), Leyte Rep. Yedda Romualdez (P487.6 million) at House Speaker Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na may P479.5M na yaman, mataas ito ng P14.7M kumpara sa kanyang 2017 SALN.
Sina Majority Leader Rep. Fredenil Castro ay may P39.9M na assets samantalang si Minority Leader Rep. Danilo Suarez ay may P214.8M.
Sampu naman sa pinakamahirap na mambabatas ay nasa oposisyon at Makabayan Bloc.
Si Kabataan Rep. Sarah Elago ang pinakamahirap na may P85,400 assets na sinundan ni Kabayan Rep. Paul Hernandez na may P340,000 ; Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado na may P515,659; Gabriela Rep Arlene Brosas, P518,660; Diwa Rep. Pepito Pico, P680,000; Act Teachers Rep. France Castro, P912,809; Anakpawis Rep. Ariel Casilao, P913,351; Coop Natco Rep. Sabiniano Canama, P1,515,644; Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, P1,710,048 at Gabriela Rep. Emmi de Jesus,P1,895,000.
166