(NI CHRISTIAN DALE)
NAGBIGAY na ng clue si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung sino ang 2 heneral na hanggang sa kasalukuyan ay sangkot sa illegal drug trade.
Hindi man pinangalanan nito subalit malinaw na ang dalawang heneral na kanyang tinukoy sa Valdai Forum sa Russia ay mula sa Philippine National Police (PNP).
“He (Pres. Duterte) disclosed that there are two generals who are still involved in the illegal drug industry, he refers to the PNP generals who have been accused to have protected the ninja cops,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.
Sa ngayon ay hihintayin muna ng Punong Ehekutibo ang rekomendasyon ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año sa oras na matapos na nito ang kanyang
internal investigation.
Nauna rito, ibinunyag ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa Russia, na dalawang heneral ang may kaugnayan sa droga, kasabay ng umaandar na imbestigasyon laban sa mga ninja cops.
Sinabi ito ni Duterte nang tanungin siya tungkol sa foreign policy ng kanyang administrasyon, kung saan sumentro ang Pangulo sa problema ng droga sa bansa.
“There are about again two generals who are still playing with drugs,” aniya sa plenaryo ng Valdai Forum sa Sochi kasama ang mga lider ng Russia, Jordan, Kazakhstan, at Azerbaijan.
Sa kabilang dalo, patuloy na minomonitor ni Pangulong Duterte ang mga kaganapan sa Pilipinas habang abala siya sa kanyang commitments sa Moscow at Sochi sa bansang Russia.
Ang matigas na posisyon ni Pangulong Duterte laban sa illegal drugs at mga taong pilit na sinisira ang bansa sa pamamagitan ng pagpapakalat ng ilegal na droga, maging ang mga ito ay nasa gobyerno o wala ay hindi kailanman mahihinto.
Sinabi ni Panelo na laging binabanggit sa iba’t ibang okasyon ng Chief Executive na pagbabayaran ng mga ito ang kanilang mga ginawa na mas malala pa sa isang kriminal.
Sa kabilang dako, hahayaan naman ng Pangulo na gawin at tapusin ng Kongreso ang kanilang imbestigasyon “in aid of legislation” bago pa gumawa ng kahit na anumang pormal na hakbang sa isyu ng ninja cops.
122