2 NDFP CONSULTANTS TIMBOG SA CAVITE

Rey Casambre

CAVITE – Dalawang pinaniniwalaang opisyal ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang nasakote ng pulisya sa Molino ng lalawigang ito.

Ang mag-asawang sina Rey at Patricia Casambre ay nadakip ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (CIDG – NCR) kaninang umaga sa Molino.

Idiniin ng CIDG – NCR na hindi nahuli ang dalawa dahil sa pagiging opisyal nila ng NDFP, kundi sa kasong kriminal na kinasasangkutan nila sa nakalipas na mga taon.

Nang madakip ang dalawa ay mga baril at granada ang mga nakuha sa kanila ng operatiba ng CIDG – NCR.

Nakakulong ang dalawa sa selda ng CIDG – NCR sa Camp Crame sa Quezon City.

5

Related posts

Leave a Comment