2 SAYAFF TIKLO SA NBI

nbi200

(Ni HARVEY PEREZ)

NAKAKULONG sa National Bureau of Investigation (NBI),ang dalawang  miyembro ng Abu Sayaff Group (ASG) na sangkot sa 2001 Golden Harvest Kidnapping sa Basilan matapos na maaresto  sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Taguig at Maynila.

Kinilala ni NBI Asst. Director of Intelligence Service Eric Distor, ang mga suspek na sina Ibno Ismael, alyas Abu Kodano; at Totoni Hairon.

Isinagawa ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa dalawang ASG matapos na makatanggap ng “tip” ang   NBI na nakikita si Ismael sa Maharlika Taguig at nagtatrabaho ito bilang construction workers at nagtatago sa pangalan Pawwad Jamda.

Samantalang sa nakuhang impormasyon kay Hairon, ito umano ay nagtatrabaho bilang isang security guard sa Port Area sa matagal ng panahon at nagtatago sa pangalan na Ismael Faisal Sarab.

Nabatid na ang dalawang ASG member ay kapwa may nakataas na standing warrant of arrest para sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Nalaman na unang  naaresto ng pinagsanib na tauhan ng NBI Anti-Terrorism Division, Special Taak Force at Special Operation Group at Armed Forces of the Philippines (AFP)noong Hunyo 26 si Abu Kodano sa Maharlika ,Taguig.

Noong Hunyo 28 naman inaresto si Hairong habang papunta sa South Harbor, Port Area, Maynila.

Aabot na sa 11 miyembro ng ASG ang naaresto noong  Enero,2019.

Ang mga suspek ay nakatakdang dalhin sa Zamboanga City Jail.

277

Related posts

Leave a Comment