20-K  OUT-OF SCHOOL YOUTH BIBIGYAN NG TRABAHO

osy12

(NI MAC CABREROS)

AABOT sa 20,000 kabataan lalo ang mga out-of-school na walang trabaho ang magkakaroon ng trabaho.

Ito’y matapos simulan  ng United States Agency for International Development (USAID) at Philippine Business for Education (PBEd) ang pagtanggap ng aplikasyon para sa YouthWorks PH.

Sa seremonyang ginanap sa covered court ng Brgy. Loyola Heights, binigyan-diin US Ambassador to the  Philippines Sung Kim na mapapalad ang mga OSY na magiging benepisaryo sa P1.8 bilyong programa sa loob ng limang taon.

“I would like to congratulate you for taking this step toward a promising future.  As a friend, partner, and ally, the United States remains committed to supporting you on your journey,” pahayag Ambassador Kim.

Inihayag naman Ramon Del Rosario, chair ng PBEd, aagapay sa progama ang mga industriya na bihasa sa kalakalan lalo sa hospitality at tourism.

Ayon kay Anne Marie Jacinto, director ng Punlaan Schools na katuwang ng programa, bukas sa lahat na kabataan ang programa ngunit kanilang sasalaiin o kikilatasin ang kuwalipikasyon ng mga ito.

Napag-alaman na marami ang graduates ng Punlaan Schools ang nagtagumpay sa buhay.

Nabatid na tatanggap ng allowance ang mga iskolar ng nasabing programa.

121

Related posts

Leave a Comment