2020 NATIONAL BUDGET IAAKYAT NA SA PLENARYO

(NI BERNARD TAGUINOD)

MATAPOS ang tatlong linggong pagbubusisi sa 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion sa committee level, iaakyat na ito  sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para pagdebatehan.

Ngayong Linggo, ay ipinagmamalaki ng liderato ni House Speaker Allan Peter Cayetano na naitala ang mga ito ang ‘record time’ sa pagdinig sa mga budget proposal ng lahat ng ahensya ng gobyerno.

Sinabi ng Davao City solon na bukas, Lunes, ay ilalabas na ang committee report sa nasabing pambansang pondo at agad na isasalang ito sa debate sa plenaryo sa Martes, Setyembre  11.

Ayon naman kay House deputy speaker Neptali Gonzales III, sa Setyembre 19 pa sana sisimulan ang debate sa pambansang pondo subalit napaaga ito dahil natapos ang budget hearing noong Biyernes, Setyembre 6.

May 3 linggo rin ang mga mambabatas para pagdebatehan ang nasabing panukala dahil target ng mga ito na maipasa ito sa ikatlo at huling pagbasa sa ikalawang linggo ng Oktubre.

Tiniyak ni Ungab na wala umanong naisingit na kahit isang sentimong pork barrel sa pambansang pondo dahil ang aaprubahan ng mga ito ay ang ipinanukala mismo ng Malacanang sa pamamagitan ng Department of Budget and Management (DBM).

“It was made possible through the guidance of Speaker Cayetano who wants to ensure the timely passage of a pork-free and illegal insertion-free budget that will provide the Filipino people with safe and comfortable life,” ani Ungab.

Ayon naman sa mga militanteng kongresista, babantayan nila hanggang sa plenaryo ang pambansang pondo upang masigurong walang maisisingit na pork barrel.

“Magbabantay kasi sa plenary at bubusisiin pa natin ang national budget. Magpapasok din tayo ng mga amendments upang madagdagan ang pondo ng mga basic services,” ani Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.

 

128

Related posts

Leave a Comment