(NI NOEL ABUEL)
IGINIIT ng senador na patuloy na dumarami ang bilang ng mga Filipino na nasasadlak sa kahirapan sa buong bansa na isinisisi sa kawalan ng ayuda ng pamahalaan.
Ayon kay Senador Leila de Lima, mahigit sa 26 milyong Filipino ang nakararanas ng kahirapan sa buhay base na rin sa 2018 official figures habang nasa 592 milyon at patuloy na dumarami ang bilang ng mga nakararanas na paghihirap sa buong mundo.
Apela nito sa publiko na tumulong para maibsan ang kahirapan ng pamilyang Filipino partikular ang mga mahihirap na napabayaan ng pamahalaan at naging biktima ng pang-aabuso.
Ayon pa sa United Nations (UN), ang mga taong nabubuhay sa kahirapan ay napagkakaitan ng karapatang mabuhay at makaahon sa kahirapan.
Umaasa si De Lima na makatutulong nang malaki ang Magna Carta of the Poor Act at ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act para maiahon sa kahirapan ang mga Filipino.
237