(NI AMIHAN SABILLO)
NAGPATUPAD na rin ng malawakang balasahan ang Philippine National Police Civil Security Group sa mga under units nito tulad ng FEO o Firearms and Explosives Office at Supervisory Office for Security and Investigation o (SOSIA)
Ito ang inihayag ni PNP Civil Security Group Director P/MGen. Roberto Fajardo Jr, kasabay ng pag-amin na sinibak at inilagay sa floating status ang may 27 opisyal ng mga nabanggit na units ng CSG dahil sa kabiguan ng mga ito na sugpuin ang katiwalian sa kani-kanilang units
Ilan Lang sa mga sinibak sina P/LtC. Noli Asuncion, P/LtC. Lorenzo Cobre at P/LtC. Omer Cuadro ng FEO gayundin sina P/LtC. Ali Jose Duterte at P/LtC. Antonio Bilon ng SOSIA gayundin ang mga Section Chiefs ng mga unit na ito
Iginiit ni Fajardo na nais niyang tuldukan ang tinatawag na Piso Click Transaction o panghihingi ng padulas para pabilisin ang proseso ng pagkuha ng mga permit gayundin ng lisensya
Dagdag pa nito, marami rin sa mga tauhan ng SOSIA ang hindi pumapasok dahil sumasideline bilang Consultant sa iba’t ibang mga Security Agencies
Sa huli, nagbigay ng ultimatum si Fajardo sa mga nabanggit na unit na ayusin ang kanilang hanay sa loob ng tatlong buwan bago siya muling magpatupad ng panibagong balasahan.
402