3 BUCOR OFFICIALS NA NA-CONTEMPT, PINALAYA NA 

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

PINALAYA na ng Senado ang tatlong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na pinatawan nila ng contempt dahil sa hindi pakikipagtulungan sa imbestigasyon hinggil sa sinasabing iregularidad sa pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Matapos magkasundo ang mga miyembro ng Committee, pinakawalan na rin sina Bucor legal chief Frederic Anthony Santos, BuCor records division head Ramoncito Roque at Ursicio Cenas, medical officer ng New Bilibid Prison (NBP) hospital.

Kinumpirma rin ni Senador Richard Gordon na isa sa tatlo ang nagbigay ng sulat kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at inihayag ang kanyang nalalaman sa mga iregularidad sa New Bilibid Prisons.

“Meron kami natanggap na sulat sa isa sa kanila at naging subject yun ng mga tinatanong ko kanina. And there’s some measure of cooperation,” saad ni Gordon.

Samantala, nilinaw naman ni Gordon na hindi na nila na-cite for contempt sina BuCor Senior Inspector Maribel “Mabel” Bansil at Officer 3 Veronica Buño dahil sa kanilang kooperasyon.

“Hindi na iko-contempt. We are able to get some cooperation,” diin ni Gordon.

Gayunman, may posibilidad din aniya na manganib ang buhay ng mga humarap sa kanila sa executive session kaya’t posibleng magkaloob din sila ng seguridad sa mga ito.

“Delikado ang buhay nila pag ginawa kasi lahat sila natatakot pati mga babae,” dagdag ni Gordon.

Kinumpirma rin ni Gordon na sa kanilang executive session, pinangalanan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang ilang opisyal ng pulis na sangkot sa sinasabing iregularidad sa Bucor.

“Some are active, some are retired….Ipapaabot natin sa Pangulo para alam nila,” diin ni Gordon.

 

160

Related posts

Leave a Comment