(NI ROSE PULGAR)
KINUMPIRMA kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may tatlong Pinay na pinatay sa Cyprus.
Hindi muna pinangalanan ang mga biktima para sa kapakanan na rin ng mga naulilang pamilya nito at ayon sa DFA ay patuloy nilang minomonitor ang imbestigasyon sa insidente at nagpahatid na rin sila ng pakikiramay.
Ayon kay Charge d’Affaires Judy Barbara Robianes, ng Philippine Embassy sa Athens, ini-report sa kanilang tanggapan ng Cypriot authorities ang pagkawala ng tatlong Pinay, kung saan ang isa dito ay kasama ang kanyang anak na babae na nawala sa pagitan ng 2017 at 2018.
Inakala ng awtoridad na nawala ang mga biktima hindi dahil sa biktima ang mga ito ng violent crime kundi dahil sa ibang kadahilanan.
Natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa isang abandoned mine sa Mitsero.
Isang Cypriot na miyembro ng National Guard ang umamin sa krimen.
Sinabi nito na nakilala niya ang mga Pinay sa pamamagitan ng dating website.
Sa ngayon ay hindi pa natatagpuan ang anak ng babae ng isa sa mga biktima.
Ayon sa DFA, handa silang umayuda sa mga pamilya ng mga biktima para makamit ang hustisya ng mga ito.
Nasa Embahada na ng Pilipinas sa Cyprus ang kinatawan ng bansa para magbigay ng tulong higit sa pagproseso ng DNA test.
130