32-M KILO NG IMPORTED NA MANOK PIPILAY SA LOCAL FARMERS

chicken palengke12

(NI KIKO CUETO)

INIHAYAG ng United Broilers Association na tumaas sa 50 million kilo ang mga supply ng frozen chicken bago ang panahon ng tag-ulan.

Sa nasabing frozen, 18 million kilos ay galing sa local producers habang 32 million kilos naman ang imported, ayon kay Atty. Bong Inciong, pangulo ng United Broilers Association.

“Record high ho iyun,” sinabi ni Inciong sa panayam sa DZMM.

Ang farmgate price ng manok ay P80 per kilo ngunit pumapalo ito sa P140 per kilo sa mga palengke.

Sinabi ni Inciong na nasa Department of Agriculture na para alamin kung bakit tumaas ang presyo sa pagitan ng farmgate at retail prices.

Samantala, tumaas ang presyo ng itlog na ibinebenta sa merkado. Sa pag-iikot sa Quinta Market, pumalo sa P0.50 hanggang P0.60 kada piraso.

Ayon sa mga nagtitinda sa palengke, ito’y dahil na rin sa tumataas ang singgil mula sa kanilang suppliers.

Sinabi pa nito na kayang mabuhay ng mga manok sa mainit na temperatura o sa malamig, pero ang mahirap ay ang sa pagitan nito na magkakasakit ang mga ito.

103

Related posts

Leave a Comment