PAUTANG NA ABONO IBIBIGAY SA SUSUNOD NA PLANTING SEASON

ABONO

(Ni FRANCIS SORIANO)

Inanunsiyo na ni Secretary Emmanuel Piñol ng Department of Agriculture (DA) ang pagkakaroon at maipatutupad sa susunod na planting season ang National Fertilizer Support Program sa mga magsasaka.

Ayon sa kalihim, may go signal na ‘di umano kay Pangulong Rodrigo Duterte at ibibigay ang naturang abono sa mga kwalipikadong magsasaka, miyembro ng irrigators association, Small Water Irrigation System Association at individual farmers sa buong bansa.

Dagdag pa rito,  babayaran ang pautang na fertilizer pagkatapos ng anihan na walang interes.

Bunsod nito ay magkakaroon din ng sariling data ang ahensya ukol sa area ng bawat sinasaka ng isang magsasaka para hindi sobra o kulang ang ibibigay na pautang na abono.

210

Related posts

Leave a Comment