(NI BERNARD TAGUINOD)
APAT na buntis ang kabilang sa mga nahawa ng Human Immunodeficiency virus (HIV) noong Disyembre 2018 na labis na ikinabahala ng isang kongresista kaya iginiit nito sa Department of Health (HIV) na paigtingin na ang anti-HIV campaign.
Ayon kay Kabayan party-list Rep. Ron Salo, isa sa mga may-akda sa Philippine HIV-AIDS Policy Act , 877 ang nairekord na bagong kaso ng HIV noong Disyembre 2018 kabilang na ang apat na buntis.
“All the adolescents found to have been infected with HIV got it through sexual intercourse and two of them were in the 10 to 14 years age range. The four pregnant with HIV are in the 22 to 25 age range,” ani Salo.
Noong Disyembre 2018 ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine HIV-AIDS Policy Act o Republic Act 11166, para mapalakas ang kampanya laban sa paglaganap ng HIV-AIDs sa bansa.
“The latest report is deeply disturbing. We really need more prevention, education, and other forms of effective intervention. The new law must be implemented fast,” ani Salo.
Kailangang magtulungan na aniya ang lahat para mapigilan ang pagdami ng mga biktima ng HIV dahil kung hindi ay manganganib ang mga susunod na henerasyon ng bansa.
Magagawa aniya ito sa pamamagitan ng education campaign dahil marami pa rin ang nagbabalewala sa sakit na ito patunay ang kaso ng 108 sa mga nabanggit na biktima na edad 17 anyos hanggang 53 anyos ay nagbayad o nagpabayad para sa sex.
Noong Disyembre 2018, 71 ang namatay umano dahil sa HIV-AIDS kung saan 13 sa mga ito ay edad 15 anyos hanggang 24 anyos.
276