BISTADOR ni RUDY SIM
NANGANGANIB na kumalat ang sakit na STD at HIV sa piitan ng Bureau of Immigration matapos payagan diumano ng isang mataas na opisyal ng BI na makapasok dito ang mga babaeng mababa ang lipad o nagbebenta ng panandaliang bembang.
Ayon sa sumbong na ating natanggap, matapos na palitan ang warden ng BI warden facility ng isang opisyal na naknakan ng ewan, ay tila walang ipinagbago ang kalakaran sa loob at ang piitan ay nagmistulang isang casa o parausan ng mga dayuhang inmates na nais makabembang.
Ang lagay ba ay ganun na lang? Kaya tayo naisyu sa ibang bansa dahil sa katiwalian ng mga hinayupak na mga opisyal na ito. Tingnan mo nga naman kung ‘yung dating deputa este deputy commissioner na nasibak dahil sa katakawan sa pera, ay siya mismo ang nagpupunta sa Bicutan Jail upang kausapin ang kanyang mga kliyenteng Chinese at pag-usapan ang malaking halaga upang sila ay makalaya.
Tapunan kung ituring ng ilang kawani ng BI ang warden facility sa mga may kasong empleyado ng ahensya ngunit para sa ilan naman ito’y pabor sa kanila dahil nandito rin ang pagkakaperahan na mayayamang dayuhang inmates na matapos kotongan ng ilang tiwaling tauhan ng intelligence division ay muling gagatasan ng mga naknakan ng katiwalian sa katawan… ‘di ba, Sir?
Bakit ba hindi ito mapatigil nitong kasalukuyang may hawak ngayon ng warden facility unit? Mayroon kayang Tara rito kada linggo mula sa koleksyon sa pinarerentahan na “Ice Room”, “Bembang Room “, ganun din sa mala-Las Vegas na presyo ng alak at sigarilyo? Nacnacan kayo ng…!
Tahimik kung tingnan ang katiwalian sa piitan ng BI pero ang katotohanan ay ginagawang negosyo ito lalo ng mga dati at kasalukuyang opisyal na akala mo’y malinis pero pasekretong kinakausap ang inmates na magbayad sa kanila kung nais nilang makapagpiyansa para matakasan ang mala-impyernong kulungan dito.
Kumusta na kaya itong isang mataas na opisyal na abogado rito na sa sobrang hilig sa bembang ay kahit mga pokpok sa kanto ay dinadala sa kanyang condo? Da who? Maging sa mga chikababes diumano sa BI, lalo ang mga nag-OJT dito ay hindi nila pinalalampas.
Akala niyo safe na kayo, ano? Nagpahinga lang si Bistador, mga Kumag!
(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)
131 