4 MILYONG RESERVIST MAKUKUHA SA ROTC

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAGKAKAROON ng 4 million reservist personnel ang Pilipinas kapag naibalik ang Reserved Officer Training Corps (ROTC)  na sapat na para maidepensa ang bansa sa anumang banta at malaking puwersa naman sa operasyon sa panahon ng kalamidad.

Ito ang paniniwala ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles ukol sa panukalang ibalik ang mandatory ROTC subalit ipatutupad na ito sa Senior High School o Grade 11 at 12.

Ayon kay Nograles, umaabot sa 4 million ang grade 11 at grade 12 sa buong bansa at apat na beses na sa kailangang 1 million servist na kailangan ng Pilipinas base sa formula na sinusunod sa buong mundo pagdating sa reserve forces.

Sinabi ng mambabatas na nakasaad sa formula na 80% ang dapat na laki ng reserve forces ng isang bansa sa aktibong miyembro ng defense force o ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nangangahulugan aniya na kailangan ng bansa ang halos 1 milyong reserved forces dahil sa kasalukuyan ay 120,000 aniya ang aktibong miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Gayunpaman, aniya ay 70,000 lamang umano ang reserved forces ng Pilipinas na kinabibilangan ng mga professionals at mga retiradong sundalo na malayong malayo sa 80% na kailangan.

Dahil dito, kailangan umanong buhayin ang ROTC at gawing mandatory dahil kailangan aniya ng bansa ang reserved forces lalo na’t maliit lang ang puwersa ng AFP sa kasalukuyan.

Ito umano ang sikreto ng mga maliliit na bansa kaya hindi sila nabubully ng ibang malalaking bansa dahil alam ng mga bullies na lalaban ang reserved forces kung mambully ang mga ito.

Noong nakaraang linggo ay sinimulan na ng House committee on basic education ang pagdinig sa 17 panukalang batas na gawing mandatory muli ang ROTC sa bansa.

 

 

150

Related posts

Leave a Comment