40 ‘NUISANCE’ CANDIDATES TINANGGAL NG COMELEC

jimenez

WINALIS ng Commission on Elections (COMELEC) ang 40 katao na naghain ng certificate of candidacy (CoC) sa pagkasenador para sa 2019 midterm elections. Posible pa umano ng madagdagan ang bilang sa mga susunod na araw, ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez.

Sinabi ni Jimenez na hindi lamang umano ang pagiging ‘nuisance’ kundi sapat umano ang basehan ng COMELEC para sila ay ma-disqualify. Inaasahang mailalabas na ang buong listahan ng mga kakandidato sa nalalapit na eleksiyon sa huling linggo ng Enero.

22

Related posts

Leave a Comment