5 LANES SA SKYWAY BUKAS NA

(NI KIKO CUETO)

BINUKSAN na ng San Miguel Corp. ang limang lanes sa  Skyway na inaasahang magpapaluwag sa trapik sa bahagi ng Alabang area.

Binuksan ng SMC ang tatlong lanes sa Skyway at bagong 2-lane ramp na nagkokonekta sa Alabang viaduct sa elevated highway.

Ang P10-bilyon na Skyway extension na inaasahang matatapos ngayong buwan, ay mag-eextend sa elevated highway papunta sa SLEX malapit sa Susana Heights at sa Muntinlupa-Cavite Expressway mula sa Alabang.

Dahil sa construction pinalala nito ang traffic sa SLEX, kung saan maraming oras ang ginugugol sa biyahe mula ss South papasok sa Metro Manila

Nag-sorry na si SMC president Ramon Ang dahil sa insidente.

 

110

Related posts

Leave a Comment