5 US SENATORS INUPAKAN SA PANGHIHIMASOK SA ‘PINAS

DELIMA123

(NI BETH JULIAN)

INAKUSAHAN ng Malacanang ng tahasang panghihimasok sa pamamalakad ng katarungan sa bansa ang resolusyon ng limang senador ng Estados Unidos.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, wala sa lugar ang resolusyon ng limang US senators na humihiling na palayain na si Senadora Leila de Lima at ibasura ang kaso ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa, gayundin ang pagsusulong ng imbestigasyon ng international community laban sa umano’y kaso ng extra judicial killings (EJK)  sa bansa.

Ayon kay Panelo, nalilimutan ng limang dayuhang senador na ang Pilipinas ay malayang bansa at hindi kolonya ng Amerika.

Inihayag ni Panelo na nagpapagamit lamang ang limang senador ng Amerika sa mga grupong nais ibagsak ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kapangyarihan.

Niliwanag ni Panelo na ang pagkakakulong ni de Lima ay may kaugnayan sa pagkakasangkot nito sa operasyon ng ilegal na droga habang ang kaso naman ni Ressa ay may kaugnayan sa paglabag nito sa tax evasion law at anti dummy law.

Sa isyu naman ng umano’y EJK na may kaugnayan sa anti illegal drugs ng pamahalaan, sinabi ni Panelo na hindi kinukunsinti ng gobyerno ang pagpatay nang walang dahilan.

Binigyan-diin ni Panelo na karamihan sa mga napapatay sa mga anti illegal drugs war ng pamahalaan ay pawang mga nanlaban sa mga lehitimong police operetions.

 

87

Related posts

Leave a Comment