KAWALAN NG TRAINED LIFEGUARDS, FIRST AIDERS TUTUTUKAN

drowning12

(NI ABBY MENDOZA)

DAHIL summer season asahan na ang pagdagsa sa mga beach resorts at mga swimming pools, subalit babala ng isang mambabatas, kapos ang mga beach resorts sa mga trained lifeguards at first aiders.

Ayon kay Iligan Rep Frederick Siao, batay umano sa datos ng World Health Organization ay nasa 372,000 kada taon ang namamatay sa buong mundo dahil sa pagkalunod.

Bunsod nito, umapela ang mambabatas sa mga Local Govenment Units, Department of Tourism, at Department of Interior and Local Government(DILG) na tingnan ang mga nasasakupan nilang beach resorts at alamin kung may sapat na mga trained lifeguards at first aiders sa  mga lugar pampaliguan upang  maiwasan ang insidente ng pagkalunod.

Kasabay nito, sinabi ni Siao na dapat tutukan ng Kamara ang pagpasa ng House Bill 3495 o Drowning Prevention Act.

“Drowning is completely avoidable if parents keep very close watch over the kids. Unfortunately, most pools and beaches do not have trained lifeguards, so safety is really their prime responsibility,”pahayag ni Siao.

Ani Siao sa oras na maisabatas ang HB 3495 ay magbibigay-daan ito para maisama sa K-12 curriculum ang pagtuturo sa paglangoy sa mga estudyante, gayundin ang hands-on cardiopulmonary resuscitation.

Kung may pagkakataon umano na may nangangailangan ng tulong na may nalulunod at kung marami ang may kaalaman sa CPR ay mas marami ang maisasalba.

 

 

340

Related posts

Leave a Comment