5,000 SA 1-M ADIK LANG NAGPAGGAMOT SA OPLAN TOKHANG

(NI BERNARD TAGUINOD)

BAGAMA’T mahigit isang milyong drug users ang sumuko simula nang ilunsad ang ‘Oplan Tokhang’ lagpas 5,000 lamang sa mga ito ang nagpagamot kaya patuloy pa rin ang demand sa ilegal na droga.

Ito ang nagtulak kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na sabihan si Leni Robredo na kailangang lansagin din nito ang ‘demand’ sa ilegal na droga sa bansa sa pamamagitan ng compulsory rehabilitation sa mga drug addict.

“There are two sides to the drug problem – the supply side and the demand side. We have to suppress both sides at once if we are to succeed in the war on drugs,” ani Defensor, vice chairman ng House health committee.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil base aniya sa record ng Dangerous Drugs Board noong 2018, umaabot lamang sa 5,447 drug addict ang nagparehab sa may 54 public and private residential and outpatient treatment facilities.

“We have a multitude of abusers. Yet, only a few of them are undergoing either voluntary or compulsory rehabilitation,” ayon pa sa mambabatas.

Magugunita na noong 2017, umaabot umano sa 1.18 million drug addict ang sumuko sa Oplan Tokhang subalit lumalabas na hindi nagpagamot ang mga ito pagkatapos sumuko.

Dahil dito, hindi na nagtataka ang mambabatas kung bakit malaki pa rin ang demand sa ilegal na droga dahil sa base mga ulat, karamihan sa mga sumuko ay bumalik sa kanilang bisyo.

“Our strategy with respect to abusers should be: You either go to rehab, or you go to jail,” ayon pa sa mambabatas na nagtutulak na magtayo ng rehabilitation center sa bawat probinsya sa buong bansa.

Mas kailangan aniya ang maraming rehab center sa Metro Manila dahil marami umano dito ang nalulong sa ilegal na droga.

 

166

Related posts

Leave a Comment