QUOTA SA BABAENG POLICE RECRUITS DODOBLEHIN

policewomen

(NI BERNARD TAGUINOD)

SA layong mapalakas pa ang Women and Children Protection Desk sa lahat ng mga police stations sa buong bansa at maiwasan na ang pag-aabuso sa mga kababaihan at kabataan ng mga tiwaling male police officers, dodoblehin na ang quota ng Philippine National Police (PNP) ng mga babaing police recruits.

Base sa House Bill 9058 na nag-aamyenda sa Republic Act 8551 o “PNP Reform and Reorganization Act of 1998” na inakda ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel Jr., nais nito na itaas sa 20% ang quota sa police recruit para sa mga kababaihan.

Nakapasa na sa ikalawang pagbasa ang nasabing panukala sa Kamara at pagbalik ng mga mababatas sa trabaho sa Mayo 20 ay inaasahang isasalang na ito sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa ilalim ng nasabing panukala, aamyendahan ang Section 58  o “Prioritization of Women for Recruitment” para itaas ng hanggang 20% ang requirement quota ng mga kababaihan recruit.

Sa ngayon ay 10% sa total recruit ng PNP ay nakalaan sa mga kababaihan subalit kapag naging batas ang nasabing panukala ay agad na itataas ito sa 15% sa unang implementasyon at 20% sa mga susunod na taon.

 

247

Related posts

Leave a Comment