RORO PASISIGLAHIN; 7 BAGONG RUTA BUBUKSAN 

roro18

(NI BERNARD TAGUINOD)

BAGAMA’T  ikaapat na lang sa pinakamataas na lider ng bansa ngayon, desidido si dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na pasiglahin pa ang Roll-On Roll-Off (RORO) system sa bansa.

Sa oversigth committee ng House committee on transportation sa Cebu City kahapon, nakakuha ng kasiguraduhan si Arroyo sa Maritime Industry Authority na magbubukas ng pitong bagong ruta ng RORO sa bansa.

Hindi sinabi ng tanggapan ni Arroyo kung saan-saang lugar ang bubuksang RORO route subalit marami na umanong pribadong kumpanya ang naghain na ng aplikasyon para iserbisyo ang mga bagong ruta.

“The Philippine Ports Authority (PPA) publicized the new routes. Several applicants thereafter submitted their intention to service the new routes which will lead to the opening up of new missionary routes in at least 7 areas within the year,” ayon sa tangapan ni Arroyo.

Itinuturing na legasiya ni Arroyo ang RORO matapos simulan niya ito noong Pangulo pa ito ng bansa subalit tumamlay ang operasyon nito noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“The reason why we put up the RORO system is we want to bring the cost of transporting food from Mindanao, where it’s plentiful, to Visayas and Luzon. And we hope that we’ll continue to reap [its] fruits,” ani Arroyo.

Dahil dito, desido si Arroyo na muling pagsiglahin ang RORO system sa bansa dahil malaki umano ang maitutulong nito sa palitan ng produkto ng iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Siniguro din ni Arroyo na reresolbahin ng Kamara ang isyu sa mataas na singil sa mga ten-wheelers truck ng  mga RORO vessel matapos makita ang isa sa mga dahilan kung bakit ito nangyayari.

Nabatid na isa sa mga dahilan ng mataas na singil sa mga ganitong sasakyan ay dahil sa weighing scales kaya iminungkahi ito na gamitin ang ganitong uri ng kagamitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

143

Related posts

Leave a Comment