TAAS-PRESYO MULI SA PANGUNAHING BILIHIN

grocery500

HINDI na umano mapipigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong buwan o dalawang buwan matapos ipatupad ang price freeze noong kapaskuhan, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Paliwanag ni DTI Usec. Ruth Castelo, nagawa umano nilang ipatupad ang “three-month price hold-off” sa halaga ng mga pangunahing produkto kahit may naitalang mataas na inflation rate noong huling bahagi ng 2018.

Idinahilan umano  ng mga negosyante ang pagtaas ng halaga ng raw materials, labor cost at ipang nangyaring umento sa presyo.

Tinataya sa limang porsiyento ang average ng pagtaas ng presyo ng mga basic commodities.

Asahan na umano ang pagtaas ng presyo ng sardinas mula P0.40 ay tumaas ng P1.30.

Nagmahal din ang evaporated at condensed milk na lumobo mula P0.50 hanggang P1.20 depende sa pangalan ng produkto.

Maging ang mga presyo ng suka, mantika, kape, asukal at toyo ay umakyat din, batay sa datos ng kagawaran.

214

Related posts

Leave a Comment