7.1 LINDOL SA SUSUNOD NA ARAW ‘FAKE NEWS’ — PHIVOLCS

fakenews lindol1

(NI ABBY MENDOZA)

UMAPELA si Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum sa publiko na huwag magpakalat ng fake news.

Ito ay sa harap ng pagkalat sa social media na nagbababala na magkakaroon ng 7.1 na lindol sa mga susunod na araw at tatama sa Bulacan, Quezon City, Markina, Pasig, Makati, Taguig, Muntinlupa, Rizal, Cavite at Laguna.

Giit ni Solidum, walang makapagsasabi kung kailan mangyayari ang lindol kaya anumang maglalabasang balita na may paparating na lindol ay malinaw na fake news.

“Wala pang teknolohiya sa buong mundo na maaring malaman kung kailan maaaring maganap ang isang malakas na lindol,”ayon sa Phivolcs.

Umaasa ang ahensya na ang mga ganitong maling babala ay hindi na ipapakalat upang maiwasan ang misinformation at takot.

Sinabi ni Solidum na ang nangyaring lindol nitong Lunes ay dapat magsilbi nang paalala sa lahat. Ngayon pa lamang umano ay dapat alam na ng publiko kung ano ang gagawin sa oras na tumama ang mas malakas na lindol, aniya, ang 6.1 magnitude quake ay kinokonsidera lamang na minor earthquake subalit malaki na ang pinsalang idinulot nito.

Pinapayuhan ni Solidum ang publiko na suriin ang kanilang mga gusali at kabahayan, kung mayroon umanong nakitang bitak ay dapat sumailalim agad sa structural audit at paghandaan kung saan mage-evacuate at laging handa ang kanilang mga  emergency kits.

151

Related posts

Leave a Comment