15-ARAW PRICE FREEZE SA LPG, KEROSENE IPINATUPAD

oilfreeze12

(NI ROSE PULGAR)

IPINATUPAD Martes ng hapon ng Department of Energy (DoE) ang price freeze sa kerosene at Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa mga lugar na nasa state of calamity dahil sa lindol.

Sa press conference sa tanggapan ng DoE sa Taguig City, sinabi ni DOE undersecretary Felix Fuentebella, na hindi dapat magtaas ang presyo ng kerosene at lpg sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa naganap na malakas na lindol.

Ayon kay Fuentebella may price freeze sa mga nasabing produktong petrolyo ang mga lugar ng apektado ng lindol sa bansa.

Pahayag pa ni Fuentebella na tatagal ng 15 araw ang price freeze sa kerosene at lpg mula sa araw nang ideklara ang state of calamity.

Nilinaw naman ni Fuentebella na walang naging epekto ang 6.1 magnitude at 6.5 magnitude earthquake o lindol sa Eastern Samar sa suplay ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Samantala pinag-aralan ngayon ng Manila Electric Company (MERALCO) na magpatupad ng rotational brown out dahil sa kakapusan ng suplay ng kuryente matapos magka-aberya ang ilang Planta sa mga lugar na nilindol

Sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zalderiaga na kasama sa pinaplano ang rotational brownout para mapahaba ang kasalukuyang suplay ng kuryente.

Binanggit pa  ni Zalderiaga na sakaling pumasok na ang mga Interruptible Load Program (ILP) at matugunan ang kakulangan sa kuryente ay wala nang brownout na mararanasan sa mga naapektuhan ng lindol.

Sinabi naman ni Fuentebella na bagamat mababa ang demand sa kuryente, may 1500 megawatts pa rin ang nawala dahil sa aberya sa mga plano lalo na sa bahagi ng mga

nilindol na lugar.

152

Related posts

Leave a Comment