(NI AMIHAN SABILLO)
KILALA na ng Department of National Defense (DND) ang pitong international terrorist na nakapasok umano sa bansa, partikular sa bahagi Western Mindanao.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang mga ito ay Egyptian, Malaysian, Indonesian at Singaporean nationals.
Sinabi ni Lorenzana na “mostly sa puslit lang from Malaysia and Indonesia by small boats, going to Tawi-Tawi first, then later on, not the Tawi-Tawi island, but small islands there, then they eventually they move to Jolo and join up with the group of Sahiron and Sawadjaan”
Matatandaan na nauna nang kinumpirma ni Western Mindanao Command Commander Lt Gen Cirilito Sobejana na may pitong teroristang banyaga ang nakapasok sa Western Mindanao ngunit hindi tinukoy ang mga nationality dahil sa maaaring negatibong reaksyon ng mga Embassy.
Sinabi ni Sobejana na kasama na ang pitong foreign terrorist ng mga teroristang grupong Abu Sayyaf Group, Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter.
154