(NI AMIHAN SABILLO)
MAHIGIT sa 700 kawani ng PNP Highway Patrol Group ang ipinakalat sa 500 sementeryo sa bansa at mga pampublikong lugar upang magbantay ng seguridad sa Undas.
Ayon kay Police BGen. Dionardo Carlos, acting director ng PNP-HPG, kasado na ang kanilang paghahanda para sa Undas at naalerto na ang kanilang mga tauhan sa 17 rehiyon sa bansa.
Sa kabuuan, 695 HPG personnel ang nakakakalat na.
Nasa 360 sa mga ito ang nasa sementeryo, 260 ang nakatutok sa mga terminal ng bus, 26 sa istasyon ng tren, 34 sa seaports at 15 sa airports.
Maliban dito, sinabi ni Carlos, na mayroon din silang inaasahang halos 2,000 force multiplier na tutulong sa HPG.
Binubuo ito ng Bantay Bayan, Barangay Peacekeeping Action Team at mga volunteer.
155