77 PRIVATE ARMY MINAMANMANAN NG PNP

arms

AABOT sa 77 private army at 166 nabubuong grupo pa ang minamanmanan ngayon ng Philippine National Police, ayon kay  spokesperson Chief Superintendent Benigno Durana Jr.

Sinabi ni Durana na ang pagbuo ng private army ay base na rin sa antas ng yaman o political interest ng ilang indibidwal kasama na ang mga politiko.

Idinagdag pa ni Durana na ang mga armed groups na ito ay kadalasang kinabibilangan ng mga criminal, rebelde, masasamang element at ilang tiwaling pulis.

Ilan din sa mga ito, ayon pa kay Durana, ay mga rebel returnees at mga scalawag.

Inamin ng opisyal na hindi nila kayang buwagin ang mga ito kung walang political backing. Kaya naman umano malakas ang kanilang loob na harapin ang mga malalakas na tao ay dahil na rin sa malaking suporta na ibinibigay ni Pangulong Duterte.

6

Related posts

Leave a Comment