LIBEL VS SORIANO PINAGTIBAY NG SC

eli

(NI TERESA TAVARES)

PINAGTIBAY ng Supreme Court First Division ang hatol laban kay Eli Soriano ng Ang Dating Daan para sa kasong libelo. Ang kaso ay kaugnay sa pahayag ni Soriano sa programa nito sa radyo laban kay Jesus Miracle Crusade leader Wilde Almeda.

Dumulog sa Korte Suprema si Soriano matapos katigan ng Court of Appeals ang ruling ng Iriga City RTC Branch 60 na naghahatol ng guilty sa kanya sa kasong libelo.

Sa 11-pahinang desisyon ng SC First Division, kumbinsido ito na mayroong malisya sa mga binitiwang salita ni Soriano laban kay Almeda.

Ayon sa Korte Suprema, hiniya at ininsulto ni Soriano ang nasabing religious leader sa programa nito sa radyo.

Paliwanag pa ng Supreme Court, hindi nalabag ang religious freedom ni Soriano ng libel conviction laban dito dahil ang pang-iinsulto nito kay Almeda ay hindi maituturing na religious speech o conviction.

16

Related posts

Leave a Comment