(Ni JESSE KABEL)
TINATAYANG aabot na sa may 8,000 New Peoples Army (NPA) na ang sumuko sa pamahalaan mula nang isinulong ang localized peace talk ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na tama ang naging pasya ng Pangulo na ipagpatuloy na lamang ang localized peace talks, dahil nasa mga kanayunan ang labanan at iba-iba ang dahilan ng mga rebelde sa bawat lugar kaya sila nag armas.
Ang malaking bagay rito ay dahil wala na ring kontrol ang exiled communist party leaders gaya ni Jose Maria Sison, na inilarawan niyang isang “armchair general,” sa mga NPA sa kanayunan.
Sinabi pa ni Lorenzana na nagsimulang magsauli ng sandata ang mga rebeldeng NPA nang pasimulan ang localized peace talk kasabay sa E-Clip program ng gobyerno na isang whole of nation approach kung saan binibigyan ng tulong pinansyal ang mga dating rebelde para muling makapamuhay nang marangal.
“It is a nationwide phenomenon. Mukhang kumalat na ang mga balita na ang mga former rebels eh maganda ang trato ng gobyerno sa kanila,” pahayag ng kalihim kaugnay sa nasabing bilang ng mga surenderees.
Sa tinatayang 8,000, sumuko umaabot sa 1,700 rito ay “unarmed “militias.” Sinasabing aabot lamang sa tinatayang 5,000 ang armdong CPP armed wing, ang New People’s Army, subalit aabot naman sa 50,000 ang unarmed rank o mga kasapi ng Militiang Bayan.
169