SEGURIDAD HINIGPITAN; 11-K PULIS IKINALAT NA SA SEMANA SANTA

pnp120

(NI MAC CABREROS)

HINIGPITAN ng mga awtoridad ang seguridad sa mga paliparan, daungan, terminal ng bus at jeep sa Metro Manila bilang hakbang sa pagdagsa ng ating kababayan na maglalakbay ngayong Semana Santa na magsisimula ngayong araw ng linggo  (Abril 14) o Linggo ng Palaspas.

Ipinakalat na ni National Capital Region Police Office director, Major General Guillermo Eleazar, ang 11,000 pulis na magbabantay sa mga istratehikong lugar kasama na rito ang mga simbahan at pilgrimage sites, malls at maging residential areas.

Kinansela na rin Eleazar ang leave ng mga pulis para masiguradong nasa puwesto ang mga ito. Magsisilbing multipliers ang mga security guards at barangay tanods gayundin na magpapakalat ng K9 units. Magkakaroon din ng assistance desk, ayon Eleazar.

Naunang pinaalalahanan ni Eleazar ang ating kababayan na tiyaking nakasara ang mga lagusan ng bahay bago umalis; iwasang i-post sa social media ang pagbabakasyon; huwag magsuot ng mamahaling alahas at iwasang magdala ng bawal na bagay. Bilang karagdagang tips, pinayuhan ni Eleazar na agahan ang pagtungo sa paliparan, daungan at terminal gayundin na dalhin ang tiket o passport, huwag magdala ng malalaki at mabigat na gamit at maging alerto lagi.

Nagpaalala rin ang Bureau of Fire Protection na tiyaking walang nakasinding kandila, gamit panluto at i-off ang mga electrical appliances bago umalis ng bahay upang maiwasan ang sunog.

 

 

 

83

Related posts

Leave a Comment